Sunday, July 30, 2006

Paano ako mag sisimula?

hinde ako nag staff for Days, well marami na-dissapoint sa akin kasi akala ng marami sasama ako o susunod ako sa tagaytay at mumtikan na rin hinde sumama yung isa participant kasi nalaman niya hinde ako pupunta pero pucha! sa sobrang naawa na ako kay lop kasi ang dami nag back out out of 7 sasama naging 5 na lang sila so kung hinde sumama yung participant na yun apat na lang sila, since hinde na ako sasama super pinilit ko na lang siya sumama siya as in todo text ko talaga at cympre kinoncenxa ko siya na sobrang napagod ang sponsor niya noh! Hay grabeh...buti nalang sumama siya. Yung participant gusto niya nandun ako at sasama ako kasi tutulungan ko siya gumawa ng Presentation para sa venture iniation kaso hinde nga ako sumunod kasi una 1. umuulan dito sa manila. 2. tinatamad ako at higit sa lahat HINDE AKO PINAYGAN NG TATAY KO UMALIS!..ewan ko kung bakit hinde ko lang feel mag staff for this batch...una pa lang na feel ko na, ayaw ko talaga mag-staff..meron naman ako reason din, pero sa akin na lang yun..mahirap na kung sabihin ko pa dito..tska dapat pupunta kami dun nung weekend kaso bawal naman daw mag visit. kung mag-visit man kami F-night o P-night lang..ngek! gabi na kaya yun so lahat ng mga hinde nag staff hinde na lang natuloy sa tagaytay..nung hapon nag text ang isang staffer sa akin sabi niya hinahanap na ako ng participant bakit wala pa ako...hello??? anu ba! akala ko ba bawal mag vist ng umaga tas ngayon papayagan niyo ako pumunta dun..ANG GULO..tska ayaw ko naman pumunta dun para gulohin yung participant dun, gagawa kami ng presentation habang nag dadays siya??AYOKO NGA! pumunta siya dun para kay KUYA JESS hinde gumawa ng presentation....kaka-istorbo kaya yun...kaya hinde rin ako sumipot..hayaan mo siya mag focus sa mga activities nagagawin nila dun....and besides nag promise ako sa kanya na hinde ako mag present sa saturday kasi wala siya, so sabay na kami sa tuesday mag-present at sa monday ko na siya tutulungan...see? nag sacrifice rin ako for him...tama na yun..sana hinde siya galit sa akin...aba dapat lang..after days galit siya sa akin? at ang suwerte nga niya eh, wala naman yung prof namin nung sabado so WALA DIN...hahaha!

nung sabado pumasok ako, pero nag-stay ako mag hapon sa library namin para matulog habang hinihintay matapos ang class ni carla,riya at alvin kasi after nun manood kami ng movie...sa sobrang bored namin ni carla sa kakaantay sa dalawa nauna kami sa eastwood dun na lang kami mag kita sa cinema...nung palabas na ako sa school, ang MALAS ko talaga at ang lakas pa ng ulan, nasira pa ang sapatos ko! hassel! so no choice ako basa basa na paa ko at medyas ko,so umikot kami sa tiangge dun para mag hanap ng mura tsinelas..pootek! wala ako makita puros havaianas na fake naman worth 50 pesos..eh ayoko nga bumili ng peke havainas! pwede ba! tas ayun sinamahan ako ni carla sa people are people, ayun may nakita narin ako slippers! 99 pesos lang...sinuot ko na lang siya agad..hehe!

after pag bili ng slippers, kumain kami ni carla sa may cinema at sinamahan ko siya kumain sa may magoo's habang hinihintay namin sila riya and alvin..ayun walang katapusan na kuwentuhan, hangang dumating sila alvin at riya bumili na kami ng tickets! hehe...nanood kami ng SUKOB! hahaha....ayus na movie yun ah..medyo natakot rin ako at natatawa! kasi wala kami ginawa kundi SUMIGAW...hahaha! laughtrip after namin sumigaw natatawa kami nila carla! hahaha...pero astig ang movie na yun ah! galing! galing! KUDOS sa productions! kaso ang panget lang ng kutis dun ni kris Aquino...

after movie pasyal kami sa eastwood ng mom ko...well wala ako binili for myself..siya lang..wala kasi ako makita maganda eh...kakasawa na mag shopping dun, at heto pa nakakatuwa may isang shop dun nag bebenta ng damit for dogs "BARK AVENUE" name ng store cympre chinika ng nanay ko..aba ung sales lady na mumukhaan niya ako... ngayon lang kaya ako pumasok sa store na yun..haha! kakatuwa lang ganun na pala ako ka familiar sa eastwood?hahaha! malamang malapit lang school..

then nag dinner kami sa prince of jaipur...BANNA LEAF PARIN, den sinamahan dad ko mag eat sa shakey's katipuna..then umuwi na..

at eto na ko..wala pa ako nagagawa presentation sa marketing! bwiset na group ko eh.where the hell is she???! grrr...bukas ko na gagawin ung presentation sa eastwood after my class..sanali lang naman yun eh...iinis lang ako, kapag ala siya bukas ba, ako mag present mag-isa at walang siya grade...tama ba ako iwanan nung wednesday..kakainis...tas bago ako matulog paper para sa essay writing! waaah! kaka-stress! AYOKO NA MAG-ARAL sobra!!!!!

speaking of accounting pala...may feeling ko pasado ako sa mid-temrs! make a wish! make a wish! dapat lang pumasa ako dun, sobrang nagaral kaya ako dun..masaya na ko kahit pasang-awa ako..basta pasado ako..IM HAPPY NA!:) haha..so coursework na lang mag solo-flyt ako and pass it earlier para may plus points! I NEED POINTS! i can't fail this subject...puta! hahahaha

oh siya..medyo mahaba ang entry ko ngayon..hehehe! may gana ako magsulat ngayon..sana sa pag-aaral ganun din ako!hahahha! tska may balak na ako palitan ang aking template dahil tapos na ang summer! balak ko gumawa ng sarili ko template pero hinde naman ako marunong..patulong na lang ako....hehe bahala na..

CONGRATS SA BATCH#14!:) JESS BLESS SA INYO..

Bye na....maliligo na rin ako...magsisimba kami ng pamilya ko...


Pamee Tupaz thought hard on 5:16 PM.